Panibagong taon na naman ang sa atin ay dumating. Malamang ay atin ng narinig sa iba ang mga salita ng pag-asa para sa taon na ito. Halos lahat ay humihiling ng kaginhawahan at kaaliwan para sa mga susunod na buwan.
Ano ba ang kaaliwan na ito? Marahil sabihin ng isa na ang kaaliwan ay isang bagay na napakabuti kasalungat sa anumang mga bagay na masasama. Sa pagsasaalang-alang ng kaisipang ito, ating mapapagaan ang ating mga sarili sa ating mga kapighatian. Taglay ang kaaliwang ito, tayo ay makapagtitiis ng may pagtitiyaga sa kabila ng anumang kasamaan.
Subalit, saan ba matatagpuan ang kaaliwan na ito? Karamihan sa atin ay naghahanap ng kaaliwan sa mga bagay na nakapagpapasaya sa atin o sa mga bagay na pinahahalagahan natin. Maaaring tayo ay kumukuha ng kaaliwan sa ating pamilya, mga kaibigan, sa kaluwagan ng buhay, sa ating mga yaman, sa ating mga libangan. Subalit, ang mga bagay na ito ay parang mga damo na lumalanta at lumilipas. Papaano tayo makakakuha ng aliw sa mga bagay na alam nating maaaring mawala kinabukasan?
Nagsimula ang katesismong Heidelberg sa mga salita ng kaaliwan (Araw ng Panginoon 1). Ating pansinin ang sagot sa unang tanong ng katesismong ito: ang ating kaaliwan ay matatagpuan sa katotohanan na "hindi [natin] pag-aari ang [ating mga] sarili, sa halip, [tayo] ay pag-aari, sa katawan at kaluluwa, sa buhay at sa kamatayan, ng [ating] tapat na Tagapagligtas na si Hesu-Kristo." Tayo ay hindi ng ating mga sarili subalit tayo ay kay Kristo (1 Corinto 6:20; 7:23). Hindi lamang ito basta kaaliwan o isa sa mga bagay na makapagbibigay-aliw, bagkus, ito ay ang siyang natatanging kaaliwan nating mga mananampalataya sa buhay na ito at sa parating pa.
Tunay nga na ang buod ng ating kaaliwan ay nasa kaalaman na tayo ay kabahagi ni Kristo sa pamamagitan ng pananampalataya, at sa pamamagitan din Niya, tayo ay naipagkasundo at inibig ng Diyos na siyang nagligtas at nangangalaga sa atin.
Dahil sa “binayaran Niya ng buo ang lahat ng [ating] mga kasalanan sa pamamagitan ng Kaniyang mahalagang dugo,” tayo ay hindi na kaaway ng Diyos. Dating mga “anak ng kapootan” (Efeso 2:3), tayo ngayon ay kinupkop Niya upang maging kaniyang mga anak sa pamamagitan ni Kristo at ngayon ay may katiyakan ng kapatawaran ng mga kasalanan (Efeso 1:5).

Hindi lang tayo ipinagkasundo,“pinalaya Niya rin [tayo] sa lahat ng kapangyarihan ng Diyablo” kung kaya’t ang kasalanan, kamatayan, at si Satanas ay wala ng kapangyarihan sa atin (Hebreo 2:14; 1 Juan 3:8).
Hindi lamang iyan, sa pang-araw araw ay patuloy na “iniingatan Niya rin [tayo] sa pamaraang kung walang pahintulot ng [ating] Amang nasa langit ay walang malalaglag kahit isang buhok mula sa [ating mga] ulo. Tunay na ang lahat ng bagay ay magkakatugma-tugma para sa [ating] kaligtasan.” Tayo ay minamatyagan Niya sa ilalim ng mapagpatnubay na gabay at nakatitiyak tayo na sa kabila ng mga pagdurusa sa "lahat ng mga bagay ang Diyos ay gumagawa sa ikabubuti ng mga umiibig sa kanya" (Roma 8:28).
At narito ang ganap na kaaliwan natin — “sa pamamagitan ng Kanyang Banal na Espiritu ay binibigyan rin Niya tayo ng katiyakan ng buhay na walang hanggan.” Tayo ay may lubos na katiyakan na tayo ay mga tagapagmana at benepisyaryo ng lahat ng mga mabubuting bagay, tulad ng pananampalataya at ang lahat ng biyaya na nakapaloob sa ating kaligtasan. Ang Banal na Espiritu ang nagkintal sa ating mga puso sa pamamagitan ng kaniyang Mabuting Balita kung sa gayon, wala tayong agam-agam na tayo ay pagmamay-ari ni Kristo at lubusang ipinakatatangi ng Diyos.
Sa kaalaman ng mga bagay na ito at pagkakaroon ng “pusong sumasang-ayon at handa”, sinabi ni John Calvin sa kanyang Institutes of the Christian Religion (3.7.1) kung papaano tayo “mamumuhay mula ngayon para sa Kanya":

“Tayo ay hindi sa ating mga sarili, nawa’y huwag sanang pamahalaan ng ating katwiran at kalooban ang ating mga plano at gawa.
Tayo ay hindi sa ating mga sarili: nawa’y huwag nating gawing layunin na mithiin ang mga bagay na naaangkop para sa atin ayon sa laman. Tayo ay hindi sa ating mga sarili: sa gana ng ating makakaya, nawa’y limutin natin ang ating mga sarili at ang lahat ng bagay na sa atin.
Sa kabaligtaran, tayo ay sa Diyos: samakatuwid, tayo ay mamuhay para sa Kanya at mamatay para sa Kanya. Tayo ay sa Diyos: nawa’y ang kanyang karunungan at kalooban ang mamuno sa lahat ng ating mga kilos. Tayo ay sa Diyos: nawa’y tayo ay magsumikap sa natatanging layunin na mamuhay ng naaayon sa Kanya sa lahat ng bahagi ng ating mga buhay” (aking salin sa Tagalog).
Walang komento :
Mag-post ng isang Komento