"Pasensya na, tao lang." "Tao lang, nagkakamali rin."
Pamilyar, hindi ba? Sino pa nga ba ang hindi pa nakakarinig sa katagang ito? Madalas nating marinig itong sabihin ng isa kapag siya ay nagkasala sa isa o kaya'y nagkamali sa kanyang mga gawa. Subalit, ang pagiging tao ba mismo ang dahilan ng ating kahinaan na ito?
Sa nakaraang araw ng Panginoon, ating nalaman ayon sa Katesismong Heidelberg na ang ating kasawian ay matutuklasan sa ating pagsuway sa Kautusan ng Diyos. Makatuwiran lamang na lumitaw ang isang tanong pagkatapos: “Ganito nga ba nilikha ng Diyos ang tao?" Sa katanungang ito ay mariing sumasagot ang ating Katesismo: HINDI.

Pansinin natin ang mga unang talata sa Genesis partikular sa ulat ni Moises patungkol sa paglalang ng Diyos. Ilang makaulit na sinabi sa ulat na ito na ang lahat ng nilalang ng Diyos ay “mabuti” (1:4, 10, 12, 18, 21, 25, 31). Kabilang diyan ang pinakatatangi Niya sa lahat ng Kaniyang mga nilalang – ang tao. At hindi lamang nilalang ng Diyos ang tao na “mabuti,” nilalang Niya rin ito na “kawangis ng Kanyang larawan” (Genesis 1:26-27).
Ganito isinalarawan ng Westminster Confession of Faith, sa ikaapat na Kabanata nito ("Tungkol sa Paglikha"), ang larawan ng Diyos na nasa tao:
“Pagkatapos likhain ng Diyos ang lahat, nilikha niya ang tao. Nilikha niya sila na lalaki at babae (Genesis 1:27) at binigyan niya sila ng katuwiran at walang kamatayang kaluluwa, (Gen. 2:7; Eclesiastes 12:7; Lucas 23:43; Mateo 10:28) at pinagkalooban Niya ng kalaaman, pagkamakatuwiran, at tunay na kabanalan – ang mga ito ay ang Kanyang wangis (Gen. 1:26; Colosas 3:10; Efeso 4:24). Ang Kautusan ng Diyos ay isinulat sa kanilang mga puso, (Roma 2:14-15. ) at mayroon silang kakayahang sundin ito (Gen. 2:17; Ecl. 7:29.). Gayon man, dahil sila ay may kalayaang gamitin ang kanilang malayang kalooban na maaring magbago, maari silang magkasala (Gen. 3:6, 17). Bukod sa Kautusang ito na nakasulat sa kanilang mga puso, sila ay inutusan ng Diyos na huwag kumain ng bunga ng puno ng pagkakilala ng mabuti at masama. Habang sila ay sumusunod sa utos na ito, sila ay maligaya sa kanilang pakikisama sa Diyos, (Gen. 2:17; Gen. 2:15-3:24) at gayon din sila ay magpapapatuloy sa kanilang pamamahala sa mga nilikha (Gen. 1:28; Gen. 1:29-30; Awit 8:6-8)."
Ang tao ay sakdal at may tunay na kaalaman patungkol sa Diyos at sa Kaniyang kalooban at may kakayahan na malayang sundin ang Diyos sa lahat ng Kanyang Kautusan ng kaniyang puso at kalakasan. Ang tao ay nilikha sa pangunahing layunin na papurihan ang Diyos at sambahin Siya at tumawag sa Kaniyang Pangalan.
Subalit ano nga ba ang nangyari? “Ginawang matuwid ng Diyos ang tao; ngunit nagbalak sila ng maraming pamamaraan” (Eclesiastes 7:29). Pinili ng ating mga unang magulang na sumuway sa Diyos. Dahil kay Adan, pumasok ang kasalanan at kamatayan sa sanlibutan (Roma 5:12-14; 1 Corinto 15:22). Ang lahat ng supling nina Adan at Eba ay nagmana ng kanilang kasalanan, kung sa gayon, ang buong sangkatauhan ay nasa ilalim ng pagkahatol at kapangyarihan ng kasalanan at ng paghahari ng kamatayan (Roma 1:18, 19; 3:9, 19; 5:17, 21).

Sinabi ng apostol Pablo na ang tao, sa kanyang kalikasan, ay patay sa kaniyang “pagsalangsang at mga kasalanan” (Efeso 2:1). Sa ganitong kalagayan, ang tao "ay walang pag-asa at walang Diyos sa mundo" (Efeso 2:12). Nawala ang karingalan ng larawan ng Diyos na tinataglay ng tao. Bagama’t nananatili man sa atin ang larawang ito, tayo ay naging alipin ng kasalanan. Hindi natin lubusang maisasalamin ang kabanalan ng Diyos. Napakasamang balita. Subalit, ang ating Katesismo ay nagbibigay ng pag-asa.
Isa sa mga ipinagkaloob ng Diyos para sa ating kaligtasan ay ang pagbabago ng ating baluktot na kalikasan (o regeneration sa wikang Ingles) patungo sa pananampalataya. Ang pagbabagong-espirituwal ito ay hindi gawa ng tao, bagkus ay natatanging gawain ng Diyos lamang. Ang mga mananampalataya naman ay Kaniyang patuloy na ipinanunumbalik ang larawang ito sa pamamagitan ng kanyang Anak na si Hesu-Kristo na siyang "naging karunungan para sa atin mula sa Diyos, at katuwiran at kabanalan" (1 Corinto 1:30). Ang ating Panginoong Hesus naman, sa pamamagitan ng Banal na Espiritu, ay binabago tayo "sa gayunding larawan, mula sa kaluwalhatian tungo sa kaluwalhatian" (2 Corinto 3:18). Sa pagkilos Niya, tayo ay muling binuhay, samakatuwid ay isinilang-muli na may bagong pusong nagnanais na tumalima sa Diyos, galing sa ispirituwal na kamatayan patungo sa buhay na walang-hanggan.
Ang larawan sa itaas ay bahagi ng pinta ni Michaelangelo na "The Creation of Adam"
Walang komento :
Mag-post ng isang Komento